"Boyet A's House Blessing
and Batch Reunion -
2010"
May 2010 - Las Pinas, Metro
Manila
nice pics jerry! talagang ikaw na ang official
kodaker ng batch.. .great job all the time!
boyet a. the first black vp of the philippines (binay).. congrats
pare! very nice house and mouth-watering toys for the big boys!
truly nothing will ever replace hard work and perseverance. to top
it all you remain silent and humble like the other batch mates that
i know who are also very successful in their own field and yet they
just keep to themselves in the background. tulad ng sinabi ko sayo
last saturday i'm very happy for you. biruin mo mga gusgusin lang
tayo nung grade school tapos ito na...
good job! huwag na huwag mo lang kalilimutan na tumulong sa mga
kapos palad (tulad ko) at pakakatandaan mo na ang lahat ng bagay na
meron tayo sa mundo ay hiram lamang sa panginoong maykapal. tulad ni
baldo+ ( Lord have mercy on his soul) na sumakabilang buhay na,
walang binitbit sa pagtatapos ng kanyang buhay kundi ang kaluluwa
niya lamang. no more no less.
good to see you again batch mates who attended. as usual start to
finish tawa lang tayo ng tawa. benjie feria sayang lang at binuking
mo yung practical joke ko sa kanila.
ganito yun mga ka-batch:
nag-uusap kami sa mesa at nagtatawan nila nesty baba, francis palos,
chuck manay, jun ilong at benjie feria. may inabot sakin si benjie
na maliit na lalagyan na paki wari mo ay parang abo ang laman.
kinuha ko ito at sinabi ko sa kanila.."pare ito yung give away ni
boyet. mga abo daw ni baldo+. binilin niya na bigyan tayo isa-isa
para lagi nating siyang maalala". kinuha muna ni nesty..sabay pasa
kay francis..sabay bigkas.."ahh..ganito pala itsura ng abo."
halos di sila makapaniwala. matagal tinitigan at pinagpasa-pasahan
na para atang di ma-arok na iuuwi nila nag mga abo ni baldo+. di na
mapigilan ni benjie ang sarili sa katatawa. sabay
sinaliwalat.."hindi sauce ng pasta yan! pesto sauce..di lang halata!"
isa lang ito sa mga maraming nakakatuwang pangyayari nung gabing
iyon. sa kabilang dako ng mesa ay abot langit naman ang hagikhikan
nila laki..rickytik..maniego..vizconde..chong, jerry etc.
"high school life oh my high school life so exciting kay saya"...
God bless you all more,
chi-chi herrera
p.s. chong good to see you again and on the road to recovery. nawa'y
huwag mo lang kaming kalilimutan sa pagbabalik binata mo pag fully
recovered ka na.
This
site is only as good as the info we have. We need updates of
our former classmates DEAD or ALIVE. This site will probably
expire by the year 2050. The last surviving person on this
list (shall we say the winner) should maintain this site at
all cost.
designed by MacArthur
"Gus" Gastrock - Beda7882.com - Webmaster